Una sa Balita

5 bilyong mobile phone nakakalat sa mundo

By
0 6

Aabot na sa limang bilyong tao sa buong mundo ang may sariling mobile phone pagsapit ng kalagitnaan ng taong ito.

Ito ang lumabas base sa ginawang pag-aaral ng GSM Association na isang samahan ng mga mobile operators.

Inaasahang nasa 5.7 bilyon o mahigit sa three-fourths ng populasyon sa buong mundo ang may sari­li ng cellphone pagsapit ng 2020.

Sa naturang Mobile Economy Report, magmumula ang nasa kalahati ng bulto ng mga mobile phone u­sers sa Asya.

Inihalimbawa pa nito sa bansang India kung saan umaabot na sa 310 milyon ang inaasahang magiging dagdag na subscribers sa loob ng tatlong taon.

Nasa 55 porsiyento rin ng kabuuang data connection ang gumagamit ng mobile broadband o 3G/4G connections.

Noong nakaraang taon, umabot sa 580 4G network ang inilunsad sa nasa 188 bansa na saklaw na ang cove­rage para sa 60 porsiyento ng populasyon sa mundo.

Inaasahan naman na magsisimula na ring mag-invest ng hanggang $700 bilyon ang mga telecom operators pagsapit ng 2020 sa ‘5G’ connectivity na magdadala ng mas mabilis na data connection sa mga smartphone users.

Sa ilalim ng ‘5G’ sinasabing maaaring makapag-download ng full HD na pelikula ng wala pa sa isang segundo.