Una sa Balita

5 atleta sa Tokyo Olympics test event

0 232

Pangarap ng bawat atleta ang makapaglaro sa Summer Olympic Games — ang pinakamalaki at pamosong multisport event sa mundo na ginaganap lang kada apat na taon.

Sa katunayan, mula sa araw na ito, mayroon na lang 334 days bago magbukas ang 32nd SOG 2020 sa Tok­yo, Japan .

Nakaka-good vibes lang ang mga naganap nitong mga nakaraang araw dahil lima sa ating national athletes, ang pasok na sa test event ng 2020 Olympics na idaraos sa Izu, Japan sa parating na Oct. 6.

Sila ay sina 2012 London Olympian at 2018 Asian Games bronze medalist BMX rider Daniel Patrick Caluag, Olympic cross-country riders Ariana Dormitorio at Niño Surban.

Sa susunod na buwan ay nakatakdang umuwi ng bansa si California-based Caluag­ para sumailalim sa month-long training ng PhilCycling sa Tagaytay City.

Mataas din ang tsansa nina Dormitorio at Surban dahil kasaluku­yang nasa pang apat na puwesto ang Pilipinas sa Asia pagdating sa MTB sa likuran ng Iran, Kazakhstan, Japan at China.

Bukod sa mga siklistang Pilipino, hindi rin nagpahuli ang mga Pinoy tankers.

Pasok na rin ang da­lawa sa mga miyembro ng PH swimming team 2020 Tokyo Olympics via B cut na sina Fil-Kiwi Luke Gebbie at Fil-American Remedy Rule.

Ito’y tapos ang kani-kanilang record-breaking performances sa 2019 FINA World Swimming Championship sa Gwanju, South Korea kamakailan.

Nagsumite si Gebbie ng oras na 49.94 seconds mula sa men’s 100 meter freestyle, mas matulin kaysa sa hinihinging 50.03 se­conds para mag-qualify sa Olympic Selection Time (OST) B cut. Habang lumangoy si Rule ng 2:11.38 secs. mula sa women’s 200m butterfly para mahigitan ang OST B cut 2:12.28 clock.

Determinado rin sina Pinay two-time Olympian Jasmine Alkhaldi, Jessie Lacuna, 2014 Youth Olympian Roxanne Ashley Yu at iba pang tankers na makapasok sa B cut at opisyal na makapag-Olympics.

Bukod sa cycling at swimming teams, naniniwala ako na marami pang good vibes stories ang darating sa PH sports.

Salamat sa umaapaw na suporta ng gobyerno sa mga atleta ngayon. Mula kay President Rodrigo Duterte, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, PAGCOR at iba pang private sectors.

Dahil sa inyo ay lalong ginaganahan ang mga atletang Pilipino na abutin ang kanilang mga pangarap. Huwag po kayong magsasa­wang suportahan ang laban ng mga bayani ng ating bansa. Mabuhay po kayo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy