Una sa Balita

5 ASG sa Jolo twin blast sumuko

0 543

SUMUKO na ang mga pangunahing suspek sa naganap na kambal na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na nagresulta sa pagkasawi ng may 22 katao at pagkasugat ng may 77 katao.

Sa ginanap na press briefing ng Philippine National Police (PNP), kinilala ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang panguna­hing suspek na si Kammah Pae, alyas ‘Kamah’ at ang apat pa nitong kasabwat na naunang sumuko.

Nalaman na napu­wersang sumuko si ‘Kamah’ sa militar at saka itinurn-over sa PNP, habang ang iba naman ay sumuko sa Special Investigation Task Group ng PNP.

Gayunman, itinanggi ni Pae na sangkot siya sa bomb attack. Sinabi ni Albayalde na siya ang itinuturo ng mga saksi.
Nabatid na si Pae ay liaison ni Hatib Hajan Sawadjaan, na siyang pumalit kay Abu Say­yaf leader Isnilon Ha­pilon, na napatay noong Oktub­re 2017 sa kasagsagan ng labanan sa Marawi City.

Si ‘Kamah’ din ay unang nakilala bilang bomb maker at kapatid ni Abu Sayyaf sub-lea­der Surakah Ingog.

Sasampahan ng kasong multiple murder at multiple frustrated murder si Pae at iba pa.

Naniniwala ito na ang kambal na pagsabog sa simbahan ay matagal nang plano, may ilan taon na ang nakakalipas pero ngayon lang naisagawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy