Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5-anyos tigok sa sumabog na bus

0 96

Blangko pa rin ang Cotabato Police sa kung sino ang utak sa pagpapasabog ng pampasaherong bus noong Martes ng umaga sa national highway ng Aleosan, Cotabato na ikinasawi ng limang taong gulang na lalaki at ikinasugat ng anim pang biktima.

Sa report ng Philippine Army’s 6th Infantry Division (ID), namatay na ang edad 5 na biktima na si Benjamin Solaiman habang nasa Aleosan District Hospital at Cotabato Regional Medical Center ang ilan pang biktima na sina Rodolfo Castillo, 67; Masid Piang, 25; Haron Solaiman, 24; Lester Bautista Alcare, 17; Yushira Solaiman, tatlong taong gulang; at Haira Solaiman, limang buwang sanggol.

Matatandaang naganap ang pagsabog alas-8:15 Martes ng umaga sa loob ng Mindanao Star bus na may rutang Davao - Cotabato City nang biglang sumabog ang likurang bahagi ng bus.

Sa report ng Police Region Office (PRO) 12, isang hindi pa nakikila­lang suspek ang may dalang kahina-hinalang bagahe na sumakay ng bus sa bandang Kabacan, Cotabato at bumaba sa bayan ng Pikit at iniwan ang kanyang bagahe.

Dagdag pa ng PRO 12, isang hindi pa tukoy na klase ng improvised explosive device ang sumabog. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa kaso. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.