Una sa Balita

5-anyos sa Nueva Vizcaya, Covid positive

0 442

ISANG limang-taon na batang babae ang umanoy ang nagpositibo sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Ito ang kinumpirma ni Nueva Vizcaya Inter Agency Task Force on COVID-19 chief Dr. Edwin Galapon noong Lunes ng umaga.

“Na-confine yung bata sa hospital ng Cabanatuan (Nueva Ecija) dahil sa UTI. Kasama sa sintomas ay fever kaya kinuhanan siya ng swab sample and it turn out positive for COVID-19,” ani Galapon.

Sinabi ni Galapon, inaalam na kung paano nahawa ang bata na wala namang travel history sa ibang bansa o kahit sa Maynila kung saan may mga positibong kaso ng COVID-19.

“Liblib din yung kanilang lugar. So ang tinitignan natin ay ‘yung kaniyang interaction while on travel papuntang hospital sa Cabanatuan,” saad ni Galapon.

Ayon pa sa doctor, maliban sa manas ang mga paa ay maayos naman ang kundisyon ng bata na planong ilipat sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC).

Bukod sa bata, kumpirmadong tinamaan din ng COVID-19 ang isang lalaking nurse sa R2TMC.

Sa inisyal na impormasyon, ang 27-anyos na nurse ay kabilang sa mga nag-aasikaso ng mga person under investigation (PUI) na dinala sa isolation room ng nasabing ospital.

Maaayos naman daw ang kundisyon ng nurse.

Sa kabuuan, ayon sa R2TMC, tatlo na ang kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya kung saan ang unang nagpositibo sa sakit ay namatay bago pa man lumabas ang resulta ng kanyang laboratory test. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More