Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 Abu Sayyaf dedo sa Zamboanga

0 115

LIMANG hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang namatay habang dalawang sundalo ang sugatan, kasunod nang nangyaring engkuwentro sa Zamboanga Sibugay kahapon.

Sinabi ni Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Lt. Col. Alaric Delos Santos na nagsasagawa ang 44th Infantry Battalion at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office ng security operation nang maka-engkuwentro ang nasa 10 na ASG member ng alas-dos ng madaling-araw na tumagal nang 30 minuto.

Agad na dinala sa ospital ang dalawang sugatang sundalo na maayos na ang lagay. Narekober ng militar ang apat na matataas na uri ng baril, kabilang ang mga M16 at M14 rifle.

Patuloy naman ang pursuit operation laban sa ASG, sinabi ni Delos Santos.

Ayon naman kay Lt. Col. Don Templonuevo, commander ng 44th Infantry Battalion, ang naturang engkuwentro ay resulta ng pursuit operation laban sa grupo nina Abral Abdusalam at sa Sahibad Group sa pangunguna ni Furuji Indama, ang ASG leader na naka-base sa Basilan.

Dagdag naman ni Brigadier General Leonel Nicolas, commander ng 102nd Infantry Brigade, base sa nakuha nilang report, plano sana ng grupo na magsagawa ng kidnapping. Aniya, “The unit would also like to thank the locals who tipped-off the authorities of the presence of these terrorist groups which resulted to the timely response of our troops.” (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.