Una sa Balita

`5-6’ paniningil ng mga Indian pinagpaliban

0 263

PINAGPALIBAN muna ng isang grupo ng Indian national ang paniningil nila ng kanilang pautang na 5-6 sa halip ay namahagi sila ng ayudang para sa mga pamilya na apektado na enhanced community quarantine (ECQ) sa Tuguegarao City.

Ayon kay Avtar Sigh, lider ng grupo ng Indian national sa siyudad ng Tuguegarao, nakalikom ang grupo ng P300,000 sa kanilang ambagan na ginamit upang ipambili ng mga relief packs.

Sinabi ni Sigh, ang kanilang naipon na pinambili ng relief goods ay kanilang ipamamahagi sa anim na barangay sa lungsod na kinabibilangan ng Linao, Centro 2, Centro 5, Centro 7, Ugac Norte at Annafunan.

Dagdag pa ni Sigh, layon lamang nilang makatulong sa mga nangangailangan habang umiiral ang ECQ sa buong Luzon.

Nanawagan ang Indiano sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na mga alituntunin upang makaiwas sa sakit na dulot ng COVID-19. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More