Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5.4 magnitude sa Oriental Mindoro ramdam hanggang NCR

0 73

Niyanig ng 5.4 magnitude earthquake ang Oriental Mindoro na naramdaman din sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng lindol. Wala namang inaasahang pinsala subalit pinag-iingat sa mararanasang aftershocks.

Unang iniulat ng Phivolcs na 5.2 magnitude ang lindol subalit itinaas sa 5.4 magnitude.

SM food to go Banner Ad

Ang lindol na may lalim na 33km ay tumama alas 4:06 ng madaling araw at ang sentro ay naramdaman sa bayan ng Looc, Oriental Mindoro.

Nakaramdam din ng Intensity IV sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro at Tagaytay City;

Intensity III sa Mamburao, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Makati City at Quezon City habang Intensity II sa Marikina City; Malabon City; Meycauayan City, Bulacan at Floridablanca sa Pampanga.

Magugunitang noong Biyernes ng hapon ay tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa lalawigan ng Camarines Sur. (Tina Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.