Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5.3 magnitude tumama sa Surigao

0 36

Niyanig kahapon ng 5.3 magnitude earthquake ang Surigao de Norte.

Walang inaasahang pinsala subalit nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng malalakas na aftershocks.

Sa report ng Phivolcs, naganap ang pagyanig alas-5:41 ng madaling araw at ang sentro nito ay naramdaman sa Burgos, Surigao del Norte.

Dahil may kalakasan ang lindol ay naramdaman ang Intensity IV sa Dapa, Surigao del Norte; Intensity sa Palo, Leyte, Surigao City at Abuyog, Leyte; Intensity I sa Alangalang at Baybay, Leyte, Gingoog City, Misamis Oriental.

Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 1 km.

Unang itinala ng Phivolcs sa magnitdue 5.5 ang lindol subalit ibinaba ito sa 5.3 magnitude. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.