Una sa Balita

5.1B pondo sa bigas, mais pinambayad-utang ng NFA

By
0 161

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) kung bakit ginamit na pambayad sa mga pagkakautang ng National Food Authority (NFA) ang P5.1 bilyong pondo nito na inilaan para magpatatag sa pres­yo ng bigas at mais.

Dahil dito, sinabi ng COA na nagkaroon ng rice shortage at nabigo ang NFA na mapatatag ang presyo at suplay ng bigas at mais at makamit ang target na procurement at buffer stock.

Nakasaad sa 2014 Annual Audit Report ng COA sa NFA, lumitaw na ginamit ng ahensiya ang P5.1 bilyon bilang pambayad sa maturing loans nito samantalang ang naturang pondo ay para sana sa implementasyon ng Food Security Program.

Abante Hiring – IT dep

Dahil dito, sinabi ng COA na naapektuhan ang mga programa at target accomplishment ng NFA para sa taong 2017.
Ayon sa COA, dahil ipinambayad sa utang ng NFA ang food security fund, umabot lang ng pitong araw ang buffer stock nito sa halip na 15 araw na target.

Ang masaklap pa, ang stock noong ‘lean months’ ay naging sapat lamang para sa limang araw, sa halip na 30 araw isang buwan.

“Had the NFA attained its target procurement, it would not have only added to the mandatory buffer stock requirement, but would have likewise encouraged farmers to produce more and minimize the need to import rice which utilizes fo­reign exchange reserve that eventually result in foreign or domestic borrowings for NFA,” ayon sa COA.

Inirekomenda ng COA sa NFA management na tiyaking na ang government subsidy ay gamitin lamang para sa Food Security Program at regular na i-monitor ang paggamit ng pondo.

Depensa naman ng NFA, kinailangan na nilang mabayaran ang maturing loans ng ahensiya upang mabawasan ang ‘depleting credit lines’ nila.

Dagdag pa ng NFA, nahirapan sila bumili ng palay sa mga magsasaka sa support price ng gobyerno na P17.00 lamang kada kilo, gayung ang ibang negosyante ay nag-aalok ng P18.40 hanggang P20.29, mula noong Enero 2017 hanggang Mayo 2017.