Una sa Balita

5-10 oras sa kama, masama ba?

By
0 1,339

Dear Dra Holmes:

Good day po sa inyo, Dra. Isa po akong Marino, ang gusto ko lang ipaabot sa inyo ay itong tagal ko sa kama.

Hindi ko po alam kung sakit ito o kung ok lang. umaabot po kasi ako ng 5 to 10hrs na hindi bumabangon sa kama. ito po ba ay masama o may dulot na kabutihan sa katawan?

Andami ko na pong tinanong nito, pero lahat po sila ay walang masagot. ayaw maniwala… ang puwede lng maniwala ay ‘yong tao mismo na kasama ko.
Sensya na po kahit pero saan-saan na ako ngtatanong kung ok o hindi ito… lahat walang maisagot na tuwid. 48-yrs old na po ako, sana masagot niyo po ito
Kasi po, kahit po nasa lupa ako o nakabakasyon ng matagal di pa rin nagbabago ang gusto ng katawan ko… ang kasama ko ay nagtataka rin sa akin at bakit daw ako naiiba sa halos lahat ng naalaga na niya. Iba daw po ako sa kala­lakihan. Nagtatanong po ako kng ok ba ito o hindi?

Related Posts

At kung ok lang ito at hindi sakit, puwede ko i-share ‘yong pamamaraan kung paano..dahil ito’y pinag-aralan ko ng ilang taon hanggang ma-perfect ko po ito. dahil sa nagagawa ko sa kama naibigay ko ang gusto ng babae na di nagawa ng iba.
Kung ito’y nakakabuti. Magandang balita pero kung nakakasama naman sa kalusugan. Tama pala na nagtanong ako sa iyo, Dra. Lover Boy

Dear Lover Boy:

Maraming salamat sa iyong pm. Pasenya na lang po sana kayo pero gusto ko sanang klaruhin ang inyong isinulat?

Na ang sinulat ninyo na: “Tagal ko sa kama umaabot po ako ng 5 to 10hrs” ibig ninyo po bang sabihin ay nagsisiping kayo ng kasama mo? To be continued…

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy