Una sa Balita

5-10 oras sa kama, masama ba? (2)

0 815

Dear Dra Holmes:

Sa inyong tanong po na “Nang sinulat ninyo na: “Tagal ko sa kama umaabot po ako ng 5 to 10hrs” ibig niyo po bang sabihin ay nagsisiping kayo ng kasama mo?”

Opo Dra.. marami kasi akong tinanong maski anong lahi di naman sila ganon… nandito po ako nga­yon sa Singapore, nakaangkla ang barko na sinak­yan ko.

Nagsisiping po kami… pasensya na sa tagalog ko…Cebuano po ako.
Dra. hindi po ako nangloloko… ito po ay totoo…makausap niyo po ang partner ko nandyan siya sa Manila… matagal ko na talagang gustong malaman kng ok lng ba ako o may problema ako… ‘yong 5 to10hrs nagsisiping po kami niyan… dere-deretso po parang ihi at inom lng tubig ang pahinga… kahit ang partner nagtatanong rin sa mga kasamahan niya sa work pero… di rin nila masagot kng ito’y ok o hindi… thanx…

Happy New Year Dra… Lover Boy

Dear Lover Boy:

Maraming salamat sa iyong pagklaro sa aking tanong. Sana ok rin sa iyo kung klaruhin ko naman ang tanong mo? Sabi mo na 5-10 hours kayo sa kama ng partner mo at tinatanong mo kung “kung ito’y nakakabuti… kung sakit ito o kung ok lang” Sinunod mo ito ng isang alok na “puwede ko i-share ‘yong pamamaraan kung paano dahil ito’y pinag-aralan ko ng ilang taon hanggang ma-perfect ko po ito.”

Ang diretsong sagot sa iyong tanong ay, ok na ok ‘yung nakakatagal ka ng hanggang 10 oras, basta lang po kung ok ito sa inyo at kung ang partner niyo naman ay nasasarapan at hindi napipilitan, nasasaktan o nagugutom.
Joke lang po ‘yung nagugutom, naisip ko lang ‘yun dahil sa sinabi niyo: “dere-deretso po parang ihi at inom lang tubig.”

Masaya po ako sa inyong alok na turuan kami pero baka ho hindi pumayag ang aking editor. Tatanong ko po sa kanya. Hanggang makuha ko po ang sagot, maraming salamat po talaga sa inyong pagbahagi ng inyong karanasan (sana po walang masyadong selosan sa kuwento ninyo), happy new year at ingat po kayo—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

***

Magpakonsulta ng libre sa tanyag na psychologist na si Dra. Margie ng personal at maging guest sa kaniyang talkshow na i-eere sa aming facebook at youtube accounts! Magpasa ng sulat na naglalaman ng ilan sa iyong hinaing tungkol sa relasyon at sex life, sa aming email: abante.walangbolahan@gmail .com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy