Una sa Balita

4×4 Rapid Chess sa Makati

0 288

Sa darating na Marso 15 ay susulong ang 2100 Average Team Open 4×4 Rapid Chess Team Tournament sa Alphaland Southgate Mall sa Magallanes, Makati City.

Magsisilbing tournament organizer si Genghis Katipunan Imperial kung saan sa isang koponan ay binubuo ng apat na manlalaro na may pabuyang P30,000 ang mapapanalunan na magkakampeon.

Tumataginting na P20,000 at P10,000 ang mapupunta sa 2nd at 3rd place ayon sa pagkakasunod. May naghihintay ding magandang tropeo sa top 3 team.
Tatanggap naman ng P8,000 ang 4th; P6,000 para sa 5th at P4,000 para sa 6th place.

May tig-P3,000 naman para sa 7th hanggang 10th place.

Mayroong tig-P500 ang best performer mula board 1 hanggang 4 habang may tig-P3,000 naman para sa top government team, top College team, top Women team at top 14 years old and below kiddies team.

Ang registration fee ay P3,000 na may free lunch. Walang onsite registration at tawagan­ si tournament­ organizer Genghis Katipunan Imperial sa mobile number 0926-251-4205 para sa karagdagang detalye.
***
Masayang ibinalita ni AGM Marlon Bernar­dino na magkatuwang na mag-oorganisa sina Tarlac City Chess Club Inc. president Arnold Soliman at sportsman Jesus Tayag ng Open chess tournament 2200 and below sa Barangay Sto. Cristo Gym sa Tarlac City sa darating na Pebrero 29.

Ito ay sa pakikipagtulungan ni ABC president Hon. Winston Torres at New York based Rainier ‘Rainski’ Labay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More