Una sa Balita

4th win tutuhugin ni Abando, UST

0 295

Mga laro ngayon:

(SM Mall of Asia Arena)

10:30am — UP vs NU

12:30pm — Adamson vs UST

4:00pm — FEU vs DLSU

PANG-APAT na panalo sa limang salang ang puntirya ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers kontra Adamson University Soaring Falcons sa pagpapatuloy ng mga aksiyon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Haharapin ni rookie Rhenz Abando at ng UST ang Adamson alas-12:30 ng tanghali pagkatapos ng first game sa pagitan ng UP at NU sa alas-10:30 ng umaga.

Sa third and last game, salpukan ang FEU Tamaraws (1-2) at DLSU Green Archers (1-2) sa alas-4 ng hapon.

Inakay ni Abando ang Growling Tigers (3-1) nitong Linggo kontra Bulldogs sa overtime, 87-74.

“Nung overtime na, dun ko lang naramdaman na nasa loob ako ng sistema. ‘Yun ang mali ko – na naghahanap ako para sa sarili nung una,” sabi ni Abando na nagtala ng 21 pointts, anim na rebounds at dalawang assists.

“Tama talaga ‘yung sinasabi nila coach na hahanapin at hahanapin ako ng laro ko.”

Katulong sa panalo si Soulemane Chabi Yo na may double-double na 23 points at 20 rebounds, may palabok pang apat na assists at isang steal, maging si Sherwin Concepcion na umiskor ng 13 points, anim na rebounds at isang assist.

Sa kabilang dako, lugmok naman ang Soaring Falcons (2-2) sa UP Fighting Maroons 83-82, via overtime, sa parehong araw. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy