Una sa Balita

4th win sinindihan ng JRU Bombers

0 262

Mga laro sa Martes:

FilOil Flying V Center)

12:00 nn. – SSC vs Perpetual Help

2:00 p.m. – CSB vs Mapua

4:00 p.m. – JRU vs Arellano U

KINAPITAN sina Agem Miranda at Marwin Dionisio ng Jose Rizal University Heavy Bombers upang pasabugin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 69-63, sa 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala si Miranda ng 16 points habang 13 puntos at 16 rebounds ang kinana ni Dionisio para sa Heavy Bombers na natuldukan ang three-game losing streak.

Bahagyang gumanda ang karta ng Kalentong-based squad tangan ang 4-7 panalo-talo sa event na may 18-game double round robin elimination.

Nagsanib-puwersa sina Miranda at Dionisio nang magtala ng pinagsamang 7-2 run at hawakan ang nine-point lead, 67-58, ng Heavy Bombers may 24 segundo na lang sa orasan.

Hindi makakawala ang JRU sa unang tatlong period, 52-50, sa endgame na lang sila nakalayo.

Samantala, dalawang overtime ang kinailangan ng Mapua University Cardinals para kalusin ang Letran Knights, 105-101, sa ikalawang laro kahapon.

Nangalabaw si Noah Lugo ng 31 points, limang rebounds at apat na assists upang ilista ang 4-6 karta para sa Cardinals at tuludukan ang two-game winning streak ng Knights. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy