Una sa Balita

4th Galing Pook Award nasungkit ni Mayor Rex

By
0 243

Sa ligtas na pamayanan, susi ang mamamayan.

Ito ang Valenzuela­ City’s Comprehensive  Safety and Security Plan  headliner na mahigit sa 10,000 Valenzue­lano volun­teer ang nag-ak­yat sa Top 10 Outstanding­ Local Governance Programs sa bansa sa pagdaraos ng “Galing Pook Governance Fair 2018 na ginanap sa Novotel Manila sa Quezon City, noong Oktubre 11, 2018.

Sa presentation entries, inilarawan ni Mayor  Rexlon T. Gatchalian ang halimbawa ng community involvement sa tagumpay ng “Tayo na. Mapayapang Valenzuela: Tuloy-tuloy  ang Asenso!”

Naniniwala ang lungsod na seguridad at kaligtasan ay isang progresibong ba­yan na ang bawat mamamayan ng Valenzuela ay mararamdamang ligtas sila sa sariling lugar gayundin ang mga negosyo.

Sa kabuuang 152 Local Government Unit (LGU)  na nagsumite ng kanilang programa at proyekto sa 2018 Galing Pook Award, 30 ang natira matapos ang validation.

Makalipas ito 19 na lang ang natira mula sa siyudad at munisipalidad  ang nabigyan ng pagkakataon na i-present ang kanilang entry mula naman sa 16 na miyembro ng Galing Pook Selection Committee na binubuo ng dating mga local chief executive, Natio­nal Government Presidents, member ng academe at mga miyembro ng media.

Ang winning program ng city ay base sa hatol at sa malalim na partipasyon ng komunidad hinggil sa ligtas at tahimik na pamayanan.

Ito ang mga naging rason kung bakit nasungkit ng Valenzuela City ang 4th Galing Pook Award.

Ngayong taon, ang Galing Pook Governance Fair  na may temang “Youth and Innovative Governance” na tumutukoy sa mga newly- elected Sanguniang Kabataan youth lea­ders, saan pinili ni Mayor­ Rex ang award – winning Education 360 Degrees invesntment program sa daan-daang SK delegates mula sa conference.

Noong 2012 , nakuha ng Valenzuela ang unang Ga­ling Pook Award dahil sa ipi­nayong mga 3S Public Program, kaugnay sa anti-graft corruption platform. Ikalawa noong 2015 for Education 360 Degrees at noong 2017 sa pagpapatayo ng Disiplina Village, Bagong Bahay-Bagong Buhay.

Ang Galing Pook Award  ay sinimulan noong 1993 na komukunsidera sa mga proyekto ng daang-daang LGU programs.

Pinapurihan din ni Se­nator Sherwin T. Gatchalian ang Valenzuela City government.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy