Una sa Balita

4th Eastern Youth crown nalalasahan na ni Quizon

0 250

DALAWANG laro pa at masisilo na ni rising star IM Daniel Quizon ang korona sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championship Under-16 na ginaganap sa Asia Hotel, Bangkok, Thailand.

Pinayuko ni 15-year-Old Quizon si Tobing Daniel Hermawan Lumban ng Indonesia sa round 7, Martes nang gabi upang ilista ang 6.5 points at manatiling nakakapit sa top spot.

Nasa second at third spot sina Pinoy woodpushers Michael Concio Jr. at FM Alekhine Nouri matapos manalo sa kanilang mga nakatunggali sa event na ipinatutupad ang nine-rounds swiss system.

Tinalbos ni Concio si Yifan Zhang ng China habang pinisak ni Nouri si CM Takuma Osaka ng Japan upang itala ang tig anim at 5.5 puntos ayon sa pagkakasunod.

Makakalaban ni Quizon si Eshwant Singh ng Malaysia sa eighth at penultimate round habang katapat ni Concio ang kababayang si Clyde Harris Saraos.

Toka ni Nouri si CM Taehyung Kang ng Korea. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy