Una sa Balita

4th anniv ng AlDub malungkot

0 358

Hanggang pagbabalik-tanaw na nga lang ba ang AlDub Nation? Pagbalik sa alaala na ang saya-saya, ang ingay-ingay nila sa ganitong panahon?

Naalala ko noon, bago pa man pumasok ang araw na ito (July 16, as in unang patak pa lang ng alas-dose nang gabi), ramdam na ramdam mo na ang energy nila sa Twitter.

Palagi ngang inaabangan noon kung ilang milyon aabutin ang tweet ng AlDub Nation. ‘Di ba nga, hawak nila ang pinakamataas na record sa Pilipinas na may pinakamaraming tweet.

Noon ilang oras pa lang, milyon na agad ang tweet ng AlDub Nation. Kanya-kanya silang pakulo sa kung ano ba ang dapat ipa-trending pa nila. Na mula nga sa #1 hanggang sa #5 yata ay naookupa nila ang top trending.

Pero, iba na nga ang panahon ngayon. At lungkot ang nararamdaman nila sa panahon ngayon.

Pilit nilang binubuhay ang sitwasyon, pero parang iilan na lang talaga sila.

Trending pa rin naman ang #ALDUB4YearsUnrivaled, pero hindi na milyones (habang sinusulat ko ito) ang tweets. Umabot pa lang sa 258K tweets ang hashtag na ‘yon kahapon ng 10am.

At karamihan sa tweet, parang may himig ng lungkot pa rin, na iba na nga ang sitwasyon nila ngayon.

Kunsabagay, ibang-iba naman talaga na. Si Alden Richards ay busy ngayon sa piling ni Kathryn Bernardo dahil sa matinding promo nila ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema.

Si Maine Mendoza naman, busy rin siya sa sariling aktibidades, at kasama nga niya ang dyowa niyang si Arjo Atayde (nu’ng Linggo, July 14) sa pagbibigay-tulong sa mga nangangailangan.

May mga pagbati pa rin naman sina Alden at Maine na lumabas sa Twitter na nagpapasalamat sila sa kanilang mga fan, pero parang wala na talagang sigla, o medyo malamlam na ang dating.

Well, pero sabi nga, habang may mga fan na nakatutok, umaasa na buo pa rin ang AlDub, mananatili pa ring buhay ang mga alaala, at patuloy pa ring magiging paksa ang AlDub Nation.

Heto nga ang tweet ng mga fan:
@issay_g, “To my one and only otp happy happy 4 years! thank you sa 4 yrs of happiness and rollercoaster ride hndi man ako active na sa twitter, know that you are in my prayers love you both ps: miss ko na kyo.

@Cathy86463534, “Aldub taught me Instagram, Twitter, Ca- rousell, Snapchat and everything just to follow them in their journey.”

@Yegie29, “You have changed our TV habit. Master the Twitter. Revived the Pinoy Tradition and most of all a daily dose of happiness. @mainedcm @aldenri-chards02 I may not be as active as before but I’m still grateful you came & become part of ALDUB fam. Fan still.”

@VO9248842, “naman sleepless tweeting with ALDUB is my children R beast mode coz i am still on Twitter c’mon hype beasts lezgeiton #ALDUB4Years-Unrivaled some body’s sabotaging our hashtag guys check out your spelling.”

@CorazonTalosig6, “hi mam amaliabrian happy anniversary po ka kamiss po ang adn family twitter is our home pls adn i knw we are happy n beautiful hearts at matatalino did is our day adn pls lets be family again.”

@cheexxy, “Happy Anniversary ADN. MornightMalay natin naki join cla sa Twitter party natin nga-yon. Charetoooo. Happy Anniversary ALDUB Alden and Maine.”

@burijoonche, “pinasadahan ko ang lahat ng litrato na naka-imbak sa telepono at laptop ko. medyo naluha ako (hindi naman na nakakagulat yun) habang iniisa-isa ko ang bawat kinopya, mga na-download mula dito sa twitter, mga screenshot at kinuhanan ko habang nanunuod ng tv.”
Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy