Una sa Balita

4Ps iginiit na gawing regular

By
0 178

ITINULAK ni Senador Leila de Lima na gawin nang regular poverty reduction program ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para tulungan ang mahihirap na pamilya.

Sa kanyang Senate Bill 2016, iginiit ni De Lima ang pagpapatuloy ng conditional cash transfer assistance para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo na laan para sa kanilang kalusugan, edukasyon at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ipinaalala ni De Lima na pangunahing mandato ng gobyerno na protektahan ang taumbayan.

Sinabi ng senador na dahil policy program lamang ang 4Ps at hindi naman ganap na batas ay mayroong posibilidad na ibasura ito ng susunod na administrasyon at magiging malaking suliranin ito sa mga benepisyaryo.

Sa ilalim ng panukala ni De Lima, daragdagan ang health and nutrition expenses ng ­qualified beneficiaries mula P600 gagawing P750 kada ­buwan.

“Now that our country’s economy is failing and the people are experiencing crippling ­levels of inflation, we need to ­ensure that financial ­assistance would be provided for those in need of aid,” diin ni De Lima.

Alinsunod din sa panu­kala, magkakaloob ng loan assistance para sa livelihood opportunities o para sa paghahanap ng trabaho.

Dapat din aniyang magkaroon ng Advisory Council para magsagawa ng assessment sa programa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy