Una sa Balita

.4M dropouts, ibabahay-bahay — DepEd

By
0 4

Sinabi ni outgoing Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro na ibahay-bahay kung kinakailangan ang 400,000 school dropouts para matukoy kung ano ang dahilan at hindi nag-enroll ang mga ito.

“Mabigat na trabaho pero talagang iniatas sa mga teachers ‘yan pinapahanap, literally talagang nagbabahay-bahay ‘yung mga teachers…,” sabi ni Luistro.

Maliban sa mga estudyante ay damay din sa problema ang mga guro at mga kawani ng mga eskuwelahan.

Dahil dito, nakabitin sa kawalan ang kinabukasan ng nasabing bilang ng school drop-out na diumano’y apektado ng implementasyon ng K-12.

“Yun na nga talagang marami-raming bilang ng mga estudyante ito 400,000. Kasi ang mangyayari dito parang hindi tiyak ang kinabukasan nila.

Kasi nakatapos na ng grade 10 pero hindi naman sila nabigyan ng high school diploma, hindi naman sila maaaring tanggapin sa kolehiyo at ngayon din mahirap din makahanap ng trabaho dahil nga hindi nakatapos ng high school,” paghahayag ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa isang panayam kahapon.

Sinasabing umaabot sa mahigit 400,000 na estudyante ang hindi na itinuloy na mag-enroll dahil ang voucher na ibinigay sa mga ito na P22, 500 ay hindi makakasapat para ipagpatuloy ang senior high school sa private high schools na paglilipatan ng mga ito.

“Tila hindi nag-enroll, yan ang pangunahing key natin dito ‘yung gastos hindi nila kayang magpatuloy,” dagdag pa nito.

Kaya naman kailangang obserbahan pa aniya sa mga darating na linggo kung late enrollees lang ba ang mga ito o talagang hindi na tutuloy at kritikal umano na maobserbahan umano ito.

Samantala, nanagawan si incoming DepEd Secretary Leonor Briones na suportahan ang senior high school program.