Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4M Chinese sa `Pinas imbestigahan – Malacañang

0 167

Bukas ang Malacañang sa plano ng Senado na imbestigahan ang pagdagsa ng mga Chinese national sa bansa na umabot sa halos apat na milyon sa loob lamang ng tatlong taon batay na rin kay Senador Risa Hontiveros.

Sa harap na rin ito ng pangamba ng ilang senador sa posibilidad na unti-unti nang sinasakop ng China ang Pilipinas dahil sa dami ng dumarating na mamamayan nito sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Presidenrtial Spokesperson Harry Roque na iginagalang ng ehekutibo ang kapangyarihan ng Senado na mag-imbestiga kaya hindi sila kokontra sa plano ni Senador Francis Pangilinan.

Matatandaang pinuna ng ilang senador ang pagdami ng Chinese sa bansa sa pamamagitan ng Special Resident Retirees Visa (SRRV) dahil karamihan sa mga ito ay edad 35 lamang na masyadong bata pa para magretiro.

Bukod dito, pinuna rin ng mga kritiko ang maraming Chinese worker sa mga proyekto sa bansa na pinangangasiwaan ng China na dapat sana ay mga Pilipinong manggagawa ang gumagawa sa kanilang trabaho. (Aileen Taliping/Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.