Una sa Balita

4K OFW sa South Korea ligtas sa coronavirus

0 325

SINIGURO ng Philippine Embassy sa South ­Korea na ligtas ang nasa 4,000 na Pinoy ­factory worker sa Daegu, kung saan nagkaroon na ng novel coronavirus o COVID-19 outbreak sa ­nasabing lugar.

Ayon kay Consul General Christian de Jesus, sa ngayon ay tumutulong na ang mga ­employer ng mga Pilipino worker para masiguro ang kanilang kaligtasan.

“‘Yun pong pinakaapektado na area ay ‘yung area ng Daegu. ‘Yan po ay higit 300 kilometers away from Seoul. Mayroon po tayo diyang—sa area na pinakamataas ang spike—mahigit 4,000 kababayan na mga factory workers,” ayon kay de Jesus said sa Unang Balita sa GMA.

“Ang mga employer po mismo ang tumutulong sa mga employee para sila ay ligtas. Sila po ay nananatili sila kanilang dormitory at sa kanilang factory. Hindi na po lumalabas kung hindi na po kinakailangan,” aniya pa.

Nasa 833 na ang kumpirmadong kaso ng ­COVID-19 sa South Korea, ang ­pinakamaraming kaso sunod sa China.

Nasa pito na sa naturang bansa ang patay sa COVID-19, at wala pa namang naitatalang ­Pinoy sa SoKor na nagkaroon ng COVID-19. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More