Una sa Balita

49 points ni Jones pumundi sa Meralco

0 231

By Lito Oredo

BINIGYAN ng TNT KaTropa ng magandang regalo sa araw ng kanyang pagpapakasal si Jayson Castro sa paghugot ng 104-91 panalo kontra Meralco Boltstungo din sa pagsolo sa liderato Sabado sa eliminasyon ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Ibinuhos ng KaTropa ang matinding 14-0 bomba sa ikatlong yugto tampok ang dalawang sunod na tres at isang nakumpletong 4-point play ni Ryan Reyes mula sa dikit na 63-61 iskor upang iuwi ang ikaapat na sunod na panalo at pangkalaha­tang ikaanim sa loob ng pitong laro.

Hindi na nilingon pa ng KaTropa sa pagpapalobo ng kanilang kalamangan sa 19 puntos ang Bolts na nahulog sa kabuuang 3-4 panalo-talong kartada.
Pinamunuan ni import ­Terrence Jones ang KaTropa na itinala ang kanyang ikaapat na beses na 40-point game sa pagkolekta ng 49 puntos, 18 rebounds at apat na assists.

Nagtala naman si Ryan Reyes ng 19 puntos tampok ang 6-of-7 sa tres habang mayroon­ din itong limang rebounds, dalawang­ assists at isang steal.
Hindi nakapaglaro si TNT point guard Castro dahil ikinasal ito mismo sa araw ng laro kontra sa Bolts.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy