Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

49 lang sa 1K vote buying case iimbestigahan – Comelec

0 114

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na 49 sa mahigit 1,000 sumbong ng vote buying ang kanilang masusing maiimbestigahan.

Ayon kay Comelec Commissioner Imee Ferrolino, sa mahigit 1,000 sumbong ng vote buying ay 49 lamang ang may kalakip na ebidensiya.

“Many of the reported vote buying incident na idinulog doon, takot naman na mag-testify o walang witnesses or walang ebidensya,” ayon kay Ferolino.

Karamihan umano sa mga reklamo ay nagpadala lamang umano ng ‘vote buying’ videos, subalit walang kalakip na impormasyon kung saan at sinong kandidato ang nasa likod ng aktibidad.

Kaugnay nito, sa Law Department ng Comelec, higit sa 80 reklamo na ang kanilang natanggap at 73 sa mga ito ay ukol sa vote buying mula pa noong Pebrero 9.

Gayundin ay iniimbestigahan ang ulat ng posibilidad na vote buying sa Surigao del Sur dahil sa malaking pagtaas sa bentahan ng cellphones ang naitala matapos ang mismong araw ng halalan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.