Una sa Balita

49 adik, tulak dinampot sa Cavite

0 189

Umabot sa 49 na tulak at adik ang pinagdadampot ng pinagsanib na puwersa ng Cavite Police at Philippine Drug Enforcement Unit 4A sa isi­nagawang buy-bust ope­ration sa loob ng 24 oras sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Nagtala ang Lungsod ng Bacoor at Imus sa Cavite na may pinakamaraming naarestong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kung saan tig-16 katao ang kanilang dinampot.

Sa Dasmariñas City, nagtala naman ng 7 katao ang naaresto habang ang Tanza ay 5, sa Silang, 3 habang tig-1 naman ang naaresto sa Carmona at Rosario, pawang sa Cavite.

Sa mga wanted person, 7 katao ang naaresto, kabilang ang isang Koreano sa bisa ng warrant of arrest sa kasong unjust vexation, theft, slight physical injuries, droga at paglabag sa BP 22 at Sec. 19 ng Barangay Ordinance sa Lungsod ng Dasmariñas, Bacoor at Gen Trias pawang sa Cavite. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy