48 NBA player sapol ng COVID

ILANG araw na lang at bakbakan na sa 2020-2021 NBA season kaya naman sinimulan na nakaraan ang testing sa mga player.
Ayon sa NBA, simula Nobyembre 24 hanggang 30 ay may 546 NBA players ang na-test at 48 sa kanila ay positibo sa coronavirus (COVID-19).

Lahat ng players na kompirmadong positibo sa COVID-19 ay ihihiwalay sa mga kasamahan nito hanggang sa maging negative ito.
Magsisimula ang bagong NBA season sa Disyembre 22 habang sa December 11 ang preseason. (Elech Dawa)