Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

47 pulis dedo sa COVID

0 54

Isa pang pulis ang iniulat na nasawi sa COVID-19 dahilan upang umakyat na sa 47 ang pulis na namatay sa nasabing virus, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service.

Ang 40-anyos na nasawi ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mayroon namang 288 na pulis ang bagong nahawa sa COVID-19 dahilan upang umabot na sa 17,917 ang kabuuang kaso, habang nasa 15,389 na ang nakarekober. Nasa 2,481 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, ayon pa sa PNPHS,

Samantala, mayroon nang 7,751 police medical frontliner ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine, ayon sa datos na inilabas ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP deputy chief for administration. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.