Una sa Balita

47 patay, 600 sugatan sa sumabog na planta sa China

0 382

NAG-IWAN ng 47 patay at higit 600 kataong sugatan ang nangyaring pagsabog sa isang planta ng pesticide sa Shanghai, China.

Nangyari ang pagsabog sa Chenjiagang Industrial Park sa Yancheng City, Jiangsu province dakong alas-2:50, Huwebes nang hapon sa planta na pagmamay-ari ng Tianjiayi Chemical Company.

Dinala sa ospital ang 640 na sugatan, 32 sa kanila ang nasa malubhang kondisyon, ayon sa state media. Naramdaman din ang lakas ng pagsabog sa mga kalapit na gusalit at factory ng nasabing planta, kaya naman kabilang rin sa mga nasugatan ang mga estudyante sa isang kindergarten na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Nakapagtala pa umano ng 2.2 magnitude na lindol ang earthquake administration ng China kasunod ng nangyaring pagsabog. Idineklarang under control ang apoy alas-tres Biyernes ng madaling-araw habang patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog.

Naitala naman ang pinakamalaking industrial accident sa bansa ang Tianjin explosion noong 2015 kung saan 160 katao ang namatay ang aabot sa 1,000 ang sugatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More