Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

47 bahay naabo sa Cebu

0 130

Isang tao ang nasugatan habang nasa 158 katao o 56 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng sunog ang 47 bahay, Biyernes ng madaling-araw sa Ba­rangay Kinasang-an, Cebu City.

Kinikilala pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng sugatan sa insidente.

Sinabi ni Fire Officer (FO3) Fulbert Navarro, fire investigator, nangyari ang apoy sa isang Muslim com­pound sa Sitio Paradise 3.

Nagsimula ang sunog bandang alas-1:35 kahapon ng madaling-araw, at naideklara itong fire out alas-2:25 ng madaling-araw.

Sinabi ni Navarro na ang kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian ay pumalo sa P900,000 mula sa 47 bahay, kung saan 46 ay tuluyang natusta habang isa ang bahagyang nasunog.

Ang mga bahay ay sinasabing gawa sa mga light ma­terial. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.