Una sa Balita

46th PCSO Gold Cup bukas na sa SLLP

0 206

ITATAKBO ng Manila Jockey Club, Inc. (MJC), ang premirang premier horse racing club sa bansa at isa sa pinakamatagal sa Asia ang paghu-host ng 46th staging ng pinakaaabangang PCSO Presidential Gold Cup bukas, Linggo sa world-class racing grounds sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Inaasahang ang libong Bayang Karerista ang susugod sa SLLP at sa kanilang Off-Track stations para saksihan kung saan ang magdodominang kabayo ang haharbat ng titulo.

Nabuo ang Presidential Gold Cup sa pagpupunyagi ni late PCSO Chairman at General Manager, Nereo C. Andolong. Ang unang edisyon ay idinaos noong Oktubre 7, 1973 sa pamosong San Lazaro Hippodrome sa Santa Cruz, Manila.

Dinagsa ang naturang karera na pinartisipahan ng paboritong Sun God at Ilocos King, at iba pa. Ang una ay pag-aari ni Don Pedro Cojuangco, na siyang namayani sa karera sakay ng petmalung si Jockey Elias Ordiales.

Sa 45 editions, 27 races ang ini-host ng Manila Jockey Club at ang PCSO Gold Cup ay muling raragasa sa SLLP.

Ang mga ocally-bred runner ay sasabak para sa grand five million pesos (Php5,000,000.00) paghahatiang premyo para sa 1st – 4th pla­cers, kabilang na ang cash incentive sa winning breeder.

Ang mga ideneklarang runner kabilang ang: Manalig Ka/CS Pare Jr. by Aurelio P. De Leon; Electric Truth/MA Alvarez by Leonardo M. Javier Jr.; Highway One/VR Dilema by Cool Summer Farm; Dixie Gold/OP Cortez by Joseph C. Dyhengco; Radioactive/KB Abobo and Sepfourteen/JA Guce by SC Stockfarm Inc.; Salt and Pepper/JB Hernandez by Herminio S. Esguerra; at Pangalusian Island/JPa Guce by Wilbert T. Tan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy