Una sa Balita

46B para sa Bicol River Basin Development Program

0 1,442

Muling bubuhayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP) para matugunan ang tuwinang pagbaha at pagkasira ng mga pananim sa Albay, Camarines Sur at Camarines Norte sa Bicol.

Isa si Albay Rep. Joey Salceda sa mga unang natuwa sa balak na ito ng Pangulo at sinabing magandang halimbawa ito ng isang ‘Disaster Risk Reduction-led sustainable development initiative’.

Sa pagbisita kamakailan matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Usman, nangako umano ang Pangulo na popondohan ng pamahalaan ang malawakang ‘flood control program’ sa Bicol ng P46 bilyon mula sa ‘road user’s tax’ para matugunan ang problema sa lugar.

Napakagandang regalo umano ito sa mga Bicolano na matapos ang 40 taon, bibigyan na ng pansin ang Bicol River Basin (BRB).

Sa balangkas ng BRBDP na sini­mulan noong dekada ‘70, layunin ng pamahalaan na pasulungin ang BRB at gawing bahagi ng ‘mainstream national­ development’ sa pamamagitan ng komprehensibong programa kasama ang ‘irrigation development, watershed development and flood control.’

Punto ni Salceda, malaki ang potensyal na ambag ng BRB sa pambansang kaunlaran. Sakop nito ang 317,103 ektaryang bukirin sa Albay, Camarines Sur at Camarines Norte na ang 81% ay bahain at sadyang binababaran ng baha.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy