Una sa Balita

44th PBA Season pinakamahaba sa kasaysayan – Marcial

WANTUSAWA!

By
0 807

INAASAHANG lalampas sa isang buong taon at magiging pinakamahaba sa kasaysayan ang 44th season ng Philippine Basketball Associaton (PBA) na sisimulan ng All-Filipino Confe­rence o Philippine Cup sa ­Enero 13 sa Philippine Arena sa ­Bocaue, Bulacan.

Ito ang inihayag nina PBA Chairman Victorico “Ricky” ­Vargas at PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa inaasa­hang pagbibigay-suporta sa Team Pilipinas sa FIBA Asia Qualifying sa 2019 World Cup at sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

“It will be the first time that will happen,” sabi ni Marcial. “Our 44th season could stretch to an entire 12 months, or to maybe more than 13 to 14 months defending on, or if our national team qualify to the FIBA World Cup in China. If we qualify, wala tayong laro para bigyan ng buong suporta ang pambansang koponan natin.”

Suportado naman ng 12 ­mi­yembro ng Board of Governors at mga opisyales ng PBA ang pahayag nina Marcial at Vargas.

“Last season, we agreed that we will extend our full support to the national team,” sabi ­naman ni Vargas. “It affected our schedule and gate receipts as well but for all the troubles that happened; late start, the scheduling issues, we had, we still earned 160 million pesos, which means that the PBA is still a viable business. What we did was define what divided us: an issue in our constitution and by-laws. We’re ready to implement changes.”

Inaasahang agad matitigil ang Philippine Cup dahil sa nakatakdang pagdayo ng Nationals para sa ikaanim at huling window ng FIBA Asia Qualifying sa Doha, Qatar para sa krusyal na una ­nitong laban sa Pebrero bago ang asam nito na ma­kabawi sa Kazakshtan.

Sakaling makapagkuwalipika ang Pilipinas ay muling mababago ang iskedyul ng liga upang suportahan ang koponan sa pagsagupa nito sa World Cup na gaganapin sa China kung saan nakataya ang silya para sa 2020 Tokyo Olympics.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy