Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4,468 estudyante, guro nadale ng COVID – DepEd

0 113

NAKAPAGTALA ang Department of Education (DepEd) ng 4,468 kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng mga estudyante at kawani ng ahensiya.

Sa pagdinig ng Senate basic education committee, ibinunyag ni DepEd UnderSecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan na 1,638 mag-aaral ang tinamaan ng virus at 2,830 na teaching at non-teaching personnel.

Sa naturang bilang, ang Quezon province ang may pinakamaraming bilang ng kaso (193) sa mga mag-aaral gayundin sa mga staff ng DepEd. Sumunod ang Batangas (158) at pangatlo naman Bataan (126).

SM food to go Banner Ad

Pang-apat ang Cebu province (114), panglima ang Quezon City (104), pang-anim ang Cavite na sinundan ng Navotas (99), Davao City (94) at Negros (88).

Tinatalakay ng komite na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian ang epekto ng pandemya sa educational system ng bansa at pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nagrerekomenda ng ligtas na pagbubukas ng mga eskuwelahan sa pamamagitan ng paglunsad ng dryrun ng limitadong face-to-face class sa mga lugar na mababa ang kaso na coronavirus. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.