Una sa Balita

44 puntos ni Wilson bagong MPBL record

0 293

KAPAG dikdikan ang labanan, andyan si John Wilson. Hindi nabigo ang defending champions San Juan Knights.

Nagsalpak ng 12 markers sa overtime ang ex-PBA player na si Wilson tungo sa new MPBL record most points na 44 upang gasolinahan ang Knights sa 102-97 panalo kontra Pampanga Giant Lanterns sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup Martes ng gabi sa Angeles University Foundation Gym.

Siyam sa 17 pukol sa three-point area ang ipinasok ng 2009 NCAA MVP mula sa Jose Rizal University Heavy Bombers para bumida sa 13-1 record ng San Juan sa North Division.

Alalay naman si ‘skywalker’ Mike Ayonayon na may 24 points at 12 kasunod si Jhonard Clarito na may 15 marka.

Binasag ni Wilson ang pinakamaraming produksiyon na 41 points ni Leomer Losentes ng General Santos Warriors. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy