Una sa Balita

44 points ni Harden nagpalamig sa Heat

0 437

NAG-INIT na si James Harden, nagsisimula pa lang si Russell Westbrook.

Umiskor ng 44 points sa loob ng 35 minutes si reigning NBA scoring champion Harden at tinapos ng Houston Rockets ang preseason sa 144-133 panalo kontra Miami Heat Biyernes ng gabi.

“James was ridiculous,” ani Rockets coach Mike D’Antoni sa kanyang star na naglista ng 18 points sa third.

Mula sa field ay 12 for 26 si Harden, 8 for 16 sa 3-point range at 12 for 13 sa foul line. May sahog pa siyang 7 assists at 5 rebounds. Tinapos niya ang preseason na nag-a-average ng 31.5 points.

May dislocated fingers si Westbrook, lumabas na ng fourth quarter na halatang iniinda ang sakit.

Napahawak agad sa kanang kamay si Westbrook nang mawala sa kanya ang bola, tumakbo palabas diretso sa tunnel papuntang locker room nang hindi tumitigil. Tumapos siya ng 16 points, 4 rebounds at 4 assists mula 6 of 13 shooting sa loob ng 26 minutes.

Naka-pitong minuto lang din si Austin Rivers bago nakaramdam ng pananakit ng leeg.

“Both of them told me they were OK, so we’ll teak that,” pahayag ni D’Antoni.

Pasabog ng 40 points sa loob ng 40 mintues si Kendrick Nunn para sa Miami, may 14 si Tyler Herro at walang isinablay sa anim na tira si Bam Adebayo tungo sa 13-point, 11-rebound game. Hindi naglaro si Jimmy Butler sa Heat. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy