Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4,311 tinamaan ng coronavirus sa QC

0 371

Umakyat pa sa 4,311 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Health Department noong Sabado, sa bilang na ito 4,236 na ang may kompletong address, habang 4,204 naman ang dumadaan sa balidasyon. Gayunman, nasa 1,564 na lang umano sa mga ito ang itinuturing na aktibong kaso o nagpapagaling pa sa sakit.

Nasa 2,384 naman ang gumaling habang 256 ang nasawi. Ayon pa sa lokal na pamahalaan, binabantayan ang 3,068 na suspected case.

Leave A Reply

Your email address will not be published.