Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

43 pa sapol! Omicron sapaw ng Delta sa PH

0 210

Naka-detect pa sa bansa ng 43 baging kaso ng Omicron variant na karamihan ay nagmula sa bumiyahe sa labas ng bansa.

Nabatid kay Philippine Genome Center (PGC) Executive Director, Dr. Cynthia Saloma na sa naturang bilang 35 ang asymptomatic, 7 ang symptomatic at biniberipika ang isa pa.

Base sa isinagawang genomic sequencing noong nakalipas na Disyembre, 2021 nanatili na ang Delta variant ang dominant variant sa bansa.

Nilinaw rin ng PGC na ang sinasabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Omicron na ang dominant variant sa bansa ay base lamang sa pinakahuling sequencing. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.