Una sa Balita

43 Iloilo LGU tatanggap ng tig-P1M ayuda

By
0 341

Makatatanggap ng tig-P1 milyong tulong pinansiyal ang 43 local government unit (LGU) sa Iloilo mula sa kanilang pamahalaang panlalawigan para mapalakas pa ang mga pagkilos kontra sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Subalit mula sa 43 LGU, bibigyan ng P1.5 milyon ang bayan ng Guimbal dahil naitala dito ang isa sa apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas. Kasalukuyang nakaratay ang pasyente sa The Medica City sa Iloilo City.

Kaugnay nito, inatasan ni Govenor Arthur Defensor Jr. ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang Executive Order No. (EO) 80 na nagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Iloilo.

Inilabas ni Defensor ang EO 81 noong Huwebes para sa mga guideline hinggil sa paglaabas ng tulong pinansiyal.

Ayon kay Defensor, ang P1 milyong ayuda na ibibigay sa mga LGU ay dapat gamitin para sa mga sumusunod:

*pagbili ng mga personal protective equipment

*food package para sa mga front liner katulad ng mga healthcare worker at mga nagbabantay sa mga checkpoint gayundin ang mga nagmomonitor sa mga naka-quarantine.

*gasolina para sa mga ginagamit na sasakyan

*thermal scanners at iba ang medical devices gayundin ang mga gamot at medica supply

tarpaulin, signages, mga supply para sa inforrmation, education campaign hinggil sa mga dapat gawin upang hindi mahawa ng COVID-19 at iba ang kaugnay na aktibdiad

*pagbili ng mga relief good para sa mga persons under monotiring, persons under investigation at sa mga apektado ng quarantine.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More