Una sa Balita

42K barangay apektado ng iligal na droga – PDEA

0 3,321

Humihingi na ng tulong ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para linisin sa iligal na droga ang libo-libong barangay sa bansa.

Ayon kay PDEA director Gen. Aaron Aquino, mahigit 42,000 barangay sa bansa ang nananati­ling apektado ng iligal na droga.

Sinasabing 52 percent umano nito ng mahigit sa 42,000 barangay sa bansa ang target ng PDEA na gawing drug free ang Pilipinas sa taong 2022.

Bunsod nito, partikular na kinalampag ni Aquino ang Department of Health (DOH) at mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

“We are targeting a drug free in all barangays sa Pilipinas kaya kailangan namin ang pakikipag tulungan ng publiko at iba pang mga ahensya ng gobyerno,” pahayag ni Aquino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More