Una sa Balita

42 adik, 19 wanted tiklo sa cavite

0 276

UMABOT sa 59 na mga adik at 19 na mga wanted ang pinagdadampot ng Cavite police sa isinagawang­ buy-bust operation­ at Simultaneous Anti Criminality Law ­Enforcement Operation (SACLEO) sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa datos ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), nanguna ang Imus City na may pinakamaraming dinampot na mga adik na may 11; sumunod ang Dasmariñas City, 8; General Mariano Alvarez, 7; habang tig-6 naman sa Carmona at General Trias City; tig-4 sa Tanza, Noveleta at Silang habang tatlo sa Kawit; 2 sa Bacoor City at tig-1 ang Ternate at Rosario.

Umabot sa 19 na mga wanted ang mga dinakip kabilang ang mga nasa most wanted sa ilalim ng progra­mang SACLEO.

Ang mga inarestong mga adik at wanted ay isinagawa sa loob ng 24-oras. (Gene ­Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy