Una sa Balita

41 pasaway sa curfew kinasuhan

By
0 768

Tinuluyang sampahan ng mga kaso ang 41 katao na nahuli dahil sa curfew at paglabag sa enhanced community quarantine sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila kamakalawa.

Ayon sa Manila Police District (MPD), 12 sa nabanggit na bilang ay mga babae na nahuling lumabag sa curfew habang pagala-gala naman sa kalsada ang iba pang inaresto.

Nabatid na isinagawa ang paghuli sa mga pasaway mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-11:30 ng gabi sa Sta. Ana, Tondo, at Sta. Cruz.

Kinasuhan ang mga pasaway sa Manila Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code (resistance and disobedience to a person of authority) at Proclamation No. 922 (state of public health emergency) gayundin sa curfew ordinance ng lungsod.

Pinagdadampot sila sa ilalim ng Oplan Badillo ng mga tauhan ng MPD.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More