Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

40M Pfizer bakuna selyado na sa ‘Pinas

0 42

Pirmado na ang kasunduan para sa 40 milyong supply ng Pfizer-BioNTech vaccine na bubuhos sa Pilipinas.

Unang inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ngayong linggo ay magkakasundo na ang gobyerno at Pfizer para sa supply ng bakuna.

Kasama rin sa hina­handa ng gobyerno ay ang 6 milyong supply mula naman sa bakuna ng Johnson & Johnson’s.

“With the steady arrival of donated and procured vaccines in the country, we are confident that our target of ha­ving more than 184 million doses of anti-COVID-19 shots in our inventory before the year ends will be realized,” ayon kay Galvez.

Bukod pa sa Pfizer, inaasahan na sa June 27 ay dumating naman ang 250,000 supply ng Moderna vaccine sa bansa.

Nasa 1.5 milyong supply naman ng Sinovac ang inaasahang dumating sa June 24. (Ray Mark Patriarca/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.