Una sa Balita

406 pasaway sa mga ordinansa dinampot 

By
0 802

Umaabot sa 406 mga pasaway o mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasang magdamagang ope­rasyon na nagtapos kahapon nang umaga.

Ayon kay EPD District Director Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng simulta­neous anti-crime law enforcement operation ng mga pulisya na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandalu­yong, Marikina at San Juan (PAMAMARISAN) upang tulu­yang masawata ang mga pa­saway na residente.

Batay sa report, nasa  lima katao ang nahuli sa paglabag sa drin­king in public, nasa 133 ang arestado sa smo­king ban, walo katao ang huli sa kasong half naked, 12 ang nahu­ling ­kabataan na paga­la-gala sa ­kalsada at nasa 248 ang nahuli pa sa iba pang paglabag sa mga lokal na ordinansa.

Sa kabuuan, nasa 104 ang nahuli sa ­Pasig City, 222 ang arestado ng Mandaluyong Police, nasa 64 ang nahuli sa Marikina habang nasa  16 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy