Una sa Balita

4,000 public school sa Luzon at Mindanao computerized na, may solar power pa

By
0 2,282

AABOT sa 4,000 pampublikong paaralan sa Luzon at Mindanao na walang kuryente ang nakaranas na ngayon ng solar power at may Information and Communications Technology (ICT) packages pa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones, tinatayang nasa 600,000 mag-aaral mula sa geographically isolated and disadvantaged areas ­(GIDAs) ang nakagagamit na ng computer laptop na mula sa solar energy.

Sinimulan ang programa upang matuto ang mga mag-aaral ng teknolohiya matapos ang matagumpay na paglulunsad ng compu­terization and solar power project sa Basilan, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa ngayon, panibagong mag-aaral mula sa Bagong Bayan Elementary School sa El Nido, Palawan ang nabahagian ng proyekto ng DepEd at United Nations Development Programme (UNDP).

Bahagi ito nang patuloy na pagsisikap ng DepEd na palawakin ang kaalaman sa ICT upang maisulong ang kalidad ng edukasyon na kabilang sa target ng ahensiya na madagdagan ang technical and vocational skills ng kabataan pagsapit ng 2030.

Paliwanag naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua, na ang karagdagang kaalaman sa teknolohiya ay magpapahusay sa kalidad ng edukasyon at nag-aalok ng malawak na posibilidad para sa kinabukasan ng mga kabataan.