Una sa Balita

4,000 empleyado humirit kay Digong na huwag sibakin ang MIASCOR

By
0 4,625

NAKIUSAP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang halos 4,000 empleyado ng MIASCOR Groundhand Corporation na bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang kompanya at huwag tuluyang tapusin ang kontrata nito sa mga paliparan sa bansa katulad ng Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport.

Sa inilabas na paha­yag ng mga empleyado ng MIASCOR, sinabi ng mga ito na mahihirapan ang karamihan sa kanila na maghanap ng ibang trabaho dahil matatanda na sila at hindi pa nakapagtapos sa pag-aaral.

Sabi ng mga emple­yado, nasa 20 hanggang 30 na sila sa ganitong trabaho. Kasabay nito, kinondena ng mga empleyado ang mga insidente ng pagnanakaw sa bagahe na ginawa ng iba nilang kasamahan sa Clark
International Airport.

Dapat umanong harapin ng mga sangkot sa pagnanakaw ang kaukulang parusa laban sa kanila.

Humingi rin ng paumanhin ang mga empleyado ng MIASCOR sa nasabing insidente ng nakawan sa bagahe na nakasira ng reputasyon sa mga paliparan sa bansa gayundin sa tiwala ng publiko.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang kontrata ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa MIASCOR matapos kumalat ang balita ng nakawan sa bagahe at balikbayan
box sa Clark International Airport noong Enero.

Dahil dito, sumulat na si MIAA General Manager kay MIASCOR president Fidel Reyes para iparating dito na hindi na ipagpapatuloy pa ang kontrata nila at inatasan din na lisanin ang kanilang mga ­opisina sa
mga paliparan sa loob ng 60 araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy