Una sa Balita

400 sako ng pirated DVD, nasabat sa Iligan City

By
0 287

Umaabot sa P140K halaga ng mga piniratang CD at DVD ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Optical Media Board (OMB) sa isinagawang operasyon sa Iligan City.

Ayon kay OMB chairman and CEO Anselmo Adriano, umaabot sa 400 sako ang nakumpiskang mga pekeng CD at DVD, kasama na ang blank storage items na ginagamit sa “burning data” o pamimirata.

Nauna rito ay nagsagawa ng surveillance ang OMB matapos makatanggap ng tip sa talamak na bentahan ng mga counterfeit mate­rials sa Barangay Palao, Quezon Avenue, at Agui­naldo St. sa Iligan City.

Sa inspeksyon sa Aguinaldo St., nasa pitong tindahan ang nainspeksyon subalit walang lumutang na may-ari ng tindahan dahil wala umanong nagsabi kung sino ang nagmamay-ari nito.

Pero sa kabila nito, tinitiyak ni Adriano na makikilala din nila ang mga nagmamay-ari ng tindahan sa pamamagitan ng kanilang permit sa Department of Trade and Industry.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy