Una sa Balita

400 evacuees ng Taal Volcano natanggap sa trabaho

0 311

Nabiyayaan ng pagkakakitaan ang may 400 na biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.

Na-hire ang nasabing bilang ng mga evacuee ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Tagaytay bilang tagalinis at tagaluto.

“Naglilinis po ng schools, naglilinis po ng government facilities kasi may mga alikabok po. Mayroon pong nagluluto sa kabila po na evacuation center,” saad ni CDRRMO chief Clyde Yayong.

Makakatanggap umano ang mga nakuha sa trabaho ng P416 kada araw na sahod.

Ilang business establishment na rin daw na nasa labas ng danger zone sa Tagaytay City ang pinayagang magpatuloy ng operasyon sa kabila na nananatili ang Alert Level 4 sa bulkan. (Issa Santiago)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More