Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

400-anyos na Sto. Niño nawawala sa sunog sa Pandacan church

0 504

Isang araw matapos tupukin ng apoy ang Santo Niño de Pandacan Parish sa Manila, patuloy sa paghahanap ang mga awtoridad sa antigong imahen ng Batang Hesus.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matapos niyang bumisita sa nasunog na simbahan, personal niyang prayoridad na mahanap ang imahen.

Sabi ni Sr. Supt. Gerrandie Agonos, Manila fire marshal, iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog pero tinitingnan nila ang “electrical fire due to short circuit”.

Dagdag niya, maaaring naabo na ang hinahanap na Santo Niño dahil gawa ito sa kahoy na posibleng napasama sa mga natupok sa sunog.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng simbahan noong Biyernes ng 1:05PM.

Umabot ito sa ikatlong alarma ng ala-1:19 ng hapon at naapula bandang alas-2:15 ng hapon. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.