Una sa Balita

40 qualifier pasok sa Digmaan finals

0 325

HIGIT sa 40 qualifiers mula sa Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) ang pasok sa final round ng “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Dec. 13.

Ayon kay LGBA President Nick Crisostomo, ang mga qualifier sa 4–stag finals hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ay mga umiskor ng 4, 4.5, 5, 5.5 at 6 points.

Lalaban sa Dec. 16 sa Manila Arena ang mga umiskor ng 6.5 at 7 points.

Ilan sa mga kasali sa Biyernes, na kumuha ng Digmaan piggy bank scheme sa Luzon Breeders­ Cup sina sabong idol Patrick Antonio, James Uy, Nestor Vendivil, Eric Calivoso at Jun Lovendino.

Pasok din sina Francis Guevarra, Boy Tanyag, Hector Magpantay, Mapher Alvarez, Ramir Navas, Kenneth Liao, Rep. Pol Dy, Jervy Maglunob, Noel Cosico at Arnold dela Cruz.

Samantala, sa Lunes, Dec. 16, sa Pasay Cockpit ang “LGBA Staff 4-Stag Derby” na may mababang P11,000 entry fee.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More