Una sa Balita

40 Pinoy workers balik-bansa

By
0 1

Nasa 40 pa na overseas Filipino workers (OFW’s) mula sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang nag-avail ng ‘90-days Amnesty Program’ na ipinagkakaloob ng naturang bansa, ang lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kamakalawa ng tanghali sa Pasay City.

Dakong alas-tres ng hapon nang lumapag ang eroplano ng mga OFWs na sakay ng Cebu Pacific flight 5J741 sa NAIA Terminal 1.

Ang mga nasabing Pinoy workers ay kabilang sa inaasahang 7,000 pang mga OFWs na nagdesisyong umuwi na lamang sa bansa matapos magtapos ang ‘KSA 90-Day Nation Without Offenders’ campaign noong Hunyo 29 ng taon kasalukuyan.

Pahayag naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na wala naman silang natatanggap na opisyal na pahayag na binitawan ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa nasabing extension.

“We hope that there will be an extension to the KSA Amnesty Program not only to Filipino workers, but other nationals as well.

The Philippine government, through the Embassy in KSA, and the Philippine Overseas Labor Office (POLO), coordinated in registering OFWs to the program. Said offices made an all-out effort to ensure that all OFWs whose cases fall under the categories listed by the Saudi government authorities are attended to by our personnel in Saudi,” pahayag ni Hans Leo J. Cacdac, administrator ng OWWA.

Qualified na mag-avail sa naturang programa ang mga residenteng may hawak na ‘iqama’ (residence permit/work license) na na-expire bago mag-Marso 19 ng kasalukuyang taon, mga empleyadong may work permit pero walang iqama, mga tumakas na empleyado, Umrah at Haj overstayers (pilgrimage), pilgrims na walang Haj permit, at ‘infiltrators’ na tumatawid sa border ng Saudi Arabia.

Ang naturang pagpapabalik sa mga OFW sa kani-kanilang sariling bayan ay sinasang-ayunan ng lahat ng mga nakauwi kasama ng mga pansa­mantalang naninirahan sa OWWA halfway home.

Kasabay nito ay ang pagbibigay ng transportation fare sa mga uuwi sa kani-kanilang probinsya at paglulungsad ng libreng psycho-social counseling.

Dagdag pa ng OWWA, ang kanilang tanggapan ay mayroong 24-hour-round-the-clock duty para sa pag- extend nang pagtulong nila sa mga nangangailangan OFW. (Kate Aguilar)